-- Advertisements --

Inaasahang magtatanghal ang Grammy singer na si Beyonce sa campaign rally ni US Vice President Kamala Harris.

Isasagawa ang pag-endorso ng singer sa mismong hometown nito sa Houston, Texas.

Madalas kasing pinapatugtog ni Harris ang kanta ni Beyonce na “Freedom” sa mga campaign events nito.

Noon pang Agosto ay sabik na ang mga supporters ni Harris na makita ang singer subalit bigo sila dahil sa pagiging abala ng singer.

Makakasama naman ni Harris sa kaniyang kampanya sa araw ng Sabado si Texas Democratic Senate candidate Colin Allred.

Kilalang supporters ng Democratic presidential candidate si Beyonce dahil noong 2016 ay kasama niya ang asawang si Jay-Z ang nanguna sa rally noon ni Hillary Clinton.