Kasama ang mga sikat na singers na sina Beyonce, Taylor Swift at Rihanna sa 100 Most Powerful Women ng Forbes.
Nasa pang-68 si Rihanna habang pang 76 si Beyonce at pang 78 si Taylor.
Isa sa dahilan kaya napili si Rihanna ya dahil sa tagumpay ng kaniyang beauty brand na Fenty Cosmetics at lingerie line na Savage x Fenty.
Nitong nakaraang buwan lamang ay napabilang si Rihanna sa billionaires club at hinirang bilang national hero ng Barbados.
Ang pagkamit ng numero uno sa Billboard 200 ng ika-10 album ni Swift kaya ito napasama sa listahan.
Ang 31-anyos na si Swift ay itinuturing na pinakabata sa 2021 sa listahan na sinundan ni Rihanna sa edad na 33.
Nasa unang listahan si American novelist at philantropist MacKenzie Scott na sinundan ni US Vice President Kamala Harris ang unang babae at Black person na naging ikalawang pangulo ng US.