-- Advertisements --
Boracay
Boracay Island/ FB image

KALIBO, Aklan – Umaapela ang kasintahan ng nag-viral sa internet na Taiwanese tourist sa publiko lalo sa mga netizen na itigil na ang pagpapakalat ng litrato sa social media at iwasang mag-share ng mga unverified information sa internet.

Nagpaliwanag ito sa isang peryodiko sa Taiwan na hindi na pinangalanang nobyo nito sa umano’y totoong pangyayari habang nakabakasyon sila sa isla.

Nabatid na inakusahan ng lalaki ang local media ng “false reporting” kung saan, kumalat umano ang balita sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa lalaki na dapat na mag-ingat ang publiko sa “pag-share” nila ng impormasyon dahil ang pangyayari aniya ay nagdulot ng sobrang “stress” sa kasintahan na halos mawala na sa katinuan dulot ng mga negatibong reaksyon.

Kuwento pa ng lalaki, nabili nila ang dalawang pares ng micro string bikini na kulay pula at puti sa Boracay mismo, kung saan natalo sa pustahan ang nobya dahilan kaya napilitang isuot at irampa sa front beach at backbeach ang nasabing mga swimwear sa magkasunod na araw noong Oktubre 9 at 10.

Ang Taiwanese tourist ay pinagmulta ng P2,500 dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 203 series of 2003 o taking nude excessively erotic pictures.