Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at National Anti-Poverty Commission na kanilang tututukan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga proyekto at programa para kapakanan ng mga ito.
Ito ay batay pa rin sa kasunduan na nilagdaan ng dalawang ahensya kasama ang Artisanal Fisherfolk Sectoral Council.
Layon nito na mapanatili ang kooperasyon ng dalawang kampo sa pagtataguyod ng mga kinakailangang programa sa gobyerno sa sektor ng pangisdaan.
Nakalatag rin sa nasabing kasunduan ang BFAR bilang lead agency ay maglalaan ng P2 million support fund .
Ang ahensya rin ang siyang aako sa trabaho at financial plan kabilang na ang project proposals ng National Anti-Poverty Commission para sa kasalukuyang taon.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si National Anti-Poverty Commission Vice Chairperson for the Basic Sectors Ruperto Aleroza sa BFAR dahil sa patuloy nitong suporta na magpapaangat sa kabuhayan ng mga mangingsidang Pilipino.