-- Advertisements --
Dadagdagan ng gobyerno ang deployment ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Panatag o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.
Layon nito ay para maprotektahan ang interest ng bansa at mga mangingisda sa lugar.
Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na sa nasabing paraan ay makakamit ng bansa ang food security.
Simula ngayong buwan ay magpapalitan ang BFAR at PCG sa pagdedeploy ng kanilang barko sa nasabing lugar.
Pagtitiyak ng opisyal na sa nasabing paraan ay mapoprotektahan ang nasabing mga mangingisda sa lugar.