-- Advertisements --
Tuluyan ng tinanggal sa serbisyo ni Ombudsman Samuel Martires si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Demosthenes Escoto.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na napatunayan ng Ombudsman na guilty si Escoto sa grave misconduct sa graft case.
May kaugnayan ang kaso sa pagbili ng BFAR ng mga communication equipment noong 2018.
Itinalaga naman ni Tiu-Laurel si Isidro Velayo Jr bilang officer-in-charge ng BFAR matapos na matanggap nila ang kautusan mula Ombudsman laban kay Escoto.