-- Advertisements --

DAVAO CITY – Doble ngayon ang ginagawang red tide monitoring systems ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) XI hindi lamang sa Balite Bay, Mati City, Davao Oriental at coastal waters sa Santa Maria sa Davao Occidental na apektado ng red tide kundi maging sa mga katabing lalawigan.

Ayon BFAR XI Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) Chief Raul C. Millana, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga concerned Local Government Unit (LGU) sa pagsasagawa ng information at awareness campaign.

Ito ay para ipaalam kung gaano ka grabe ngayon ang red tide sa nasabing mga lugar at magbibigay rin sila ng update patungkol sa resulta ng weekly collection sa samples.

Agad na nilinaw ni BFAR XI Chemistry Laboratory Regional Head Maria Loida Avorque na ang red tide incidence ay hindi maiiwasan dahil isa itong natural phenomenon lalo na at nakaranas na ngayon ng matinding polusyon ang mga karagatan.