Matapos ang paglubog ng isang oil tanker na MT Terra Nova na nagdulot ng oil spill sa bahagi ng karagatang sakop ng Limay, Bataan, nilinaw ngayon na hindi pa nila kinokonsidera sa ang pagpapatupad ng fishing ban.
Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, sa ngayon ay wala pa ring humpay ang pangingisda sa lugar.
Batay sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng ahensya, nag negatibo sa oil traces ang mga nakukuhang isda sa naturang katubigan.
Dahil dito, wala aniyang dapat ikabahala ang publiko at ligtas naman itong kainin sa ngayon.
Patuloy naman ang kanilang isinasagawang monitoring sa naturang karagatan.
Nagpakalat na rin ito ng mga tauhan sa mga pantalan na malapit sa nasabing kaibigan upang magsagawa ng assessment sa mga huling isda doon.
Batay sa datos, aabot sa 46,000 mangingisda mula sa Metro Manila , Central Luzon at CALABARZON ang maaaring maapektuhan kung sakaling lumawak ang oil spill mula sa lumubog na oil tanker.