-- Advertisements --
image 427

Idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang walong coastal areas sa bansa na positibo sa red tide toxin.

Kabilang dito ang coastal waters ng Masbate, Panay, President Roxas, Pilar sa Capiz, Daius at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro sa Samar, pati na ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at ang Lianga Bay naman sa Surigao del Sur.

Pinapaalalahanan ang publiko na lahat ng uri ng shellfish na nakukuha sa mga nasabing lugar ay hindi ligtas para kainin.

Maaaring kainin ang mga isda, hipon, pusit, at alimango, basta’t hinuhugasan ito ng mabuti bago kainin.

Liban nito, hindi na apektado ng red tide ang Cancabato Bay sa Tacloban City.