Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-8 na wala ng shellfish ban sa Eastern Visayas.
Gayunpaman, ang mga sample ng tubig-dagat na nakolekta mula sa Matarinao Bay sa mga munisipalidad ng General Macarthur, Hernani, Quinapondan, at Salcedo sa Eastern Samar ay nananatiling positibo para sa Pyrodinium bahamense.
Ito isang nakakalason na microorgnanism na nagdudulot ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) o red tide.
Pinayuhan ng BFAR ang mga tao na iwasan ang pangangalap, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes na lokal na kilala bilang “alamang” o “hipon” mula sa Matarinao Bay.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin ng tao, basta’t sariwa at hugasan ng maigi.
Mahigpit na binabantayan ng BFAR at ng local government unit ang lugar upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at maprotektahan ang industriya ng shellfish.