-- Advertisements --
image 510

Inirerekomenda pa rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang patuloy na pagsuspindi sa fishing activity sa ilang lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Kasabay nito, sinabi rin ng BFAR na kailangang tulungan ang mga mangingisdang apektado ng naturang pagtagas ng langis sa lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero 28.

Sa isang statement, sinabi ng BFAR na nagsagawa na ang mga ito ng initial water at fish sample tests sa Naujan, Pola, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Roxas, Mansalay, Bongabong at Bulalacao.

Base sa inisyal na sampling ng BFA, mayroon pa rin umanong langis at grasa sa water samples.

Nakita rin ng DA-BFAR ang low-level contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) sa mga fish samples.

Ang polycyclic aromatic hydrocarbons ay mapaminsala sa mga tao ay iba pang living organisms.

Ang level ay base sa nakolektang samples mula Marso 3 hanggang 14.

Kaya naman, inirerekomenda ng Department of Agriculture-BFAR ang patuloy na pagbabawal na mangisda sa mga apektadong lugar para sa kaligtasan ng publiko.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng ahensiya na patuloy ang kanilang ibibigay na tulong sa 19,000 affected fishers.

Naglaan na rin ang DA-BFAR ng initial budget na P6.4 million para sa livelihood at relief assistance bilang tulong sa mga fisherfolk at kanilang mga pamilya para makabawi sa mga nawalang kita dahil sa fishing bans.

Maliban naman sa pamamahagi ng food packs inihahanda na rin ang pondo para sa rehabilitation programs.

Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng DA-BFAR sa mga concerned national government agencies at local government units para siguruhin ang epublic safety at maresolba ang concerns ng nasa 19,000 na apektadong fisherfolk.

Una nang nagbahagi ang DA-BFAR earlier ng 10,000 canned goods, 5,000 noodles at 1,000 25-kg sacks ng bigas sa regional office ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) para sa 5,000 families.

Kung maalala, maging ang mga fishing activities sa Caluya, Antique ay itinigil na rin dahil sa pagkalat ng oil spill.

Noong Pebrero 28 nang lumubog ang MT Princess Empress sank sa Naujan na siyang naging dahilan ng oil spill na umabot na rin hanggang sa Batangas.