Pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko na sa ngayon ay hindi na ligtas i konsumo o kainin ang mga isang huli mula sa mga lugar na nakitaan ng tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Terranova sa Limay, Bataan noong nakalipas na linggo sa kasagsagan ng super typhoon Carina at habagat.
Ayon sa ahensya, ang pag-iwas pansamantala sa pagkain nito ay makakatulong upang maiwasan ang food poisoning dahil contaminated na ng langis ang mga huling isda sa lugar.
Walang ring humpay ang BFAR sa pagsasagawa nito ng mga fish sampling sa mga lugar na natukoy na apektado ng oil spill.
Kabilang na rito ang Central Luzon CALABARZON, at maging ang National Capital Region .
Layon ng pagsusuri na ito na matukoy ang lawak ng pinsala ng tumagas na langis .
Ang Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite ay nakitaan ng mataas na lebel ng kontaminasyon ng petrochemicals habang ang nakuhang sample naman sa Tanza, Cavite City, at Naic ay ligtas sa naturang uri ng kemikal.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay sa catch landings at market inspection upang matiyak na ligtas ang mga huling isda na ibinabagsak sa palengke.
Kung maaalala, ang Bataan ay nagpatupad na ng fishing ban sa Limay, Bataan at no-catch zone sa Cavite.