Sinimulan ng itaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang red tide warning sa tatlong lugar sa probinsya ng aklan.
Batay sa pinakahuling bulletin ng ahensya, kinumpirma nito na nag positibo na ang ilang baybayin sa bayan ng Altabas,Batan at Washington Aklan sa paralytic shellfish poison.
Ayon sa BFAR, ito ay lumagpas na sa itinakdang regulatory limit na kanilang batayan sa pagtataas ng red tide warning.
Kaagad namang nagsagawa ng information drived ang naturang Lokal na Gobyerno upang pansamantalang ipagbawal ang pagbenta , paghango at pagkain ng anumang klase ng shellfish.
Kabilang sa mga ito ang talaba, tahong at kasama na rin ang alamang.
Maaari namang makain ang lahat ng mga pagkaing dagat katulad ng isda, sugpo at iba pa bastat siguraduhin na maayos itong nalinisan at naluto upang maiwasan ang pagkalason.