-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Linggo ang mga kumakalat sa social media na nagsasabing hindi dapat kumain ng isda dahil sa umano’y may mga medikal na basura na itinapon sa dagat.
Ayon sa BFAR, ang impormasyon na kumakalat sa social media na nagsasabing may tubo mula sa ospital na may human immunodeficiency virus (HIV) na itinapon sa dagat ay “false information.”
Hinimok din ng ahensya ang publiko na manatiling mapagmatyag at tiyakin ang katotohanan ng impormasyon bago magbahagi ng anumang mga post sa social media.