-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mariing tinututulan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapatayo ng oil depot ng Grayhorse Energy Incorporated sa Barangay Talusan, Dumangas, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay BFAR Region 6 Director Remia Aparri, sinabi nito na ikakasira ng marine life at ng pangkabuhayan ng mga mangingisda ang ang pagpapatayo ng oil depot.
Ang mga talaba anya at ang fish pond ng mga bangus at tiyak na maaapektuhan.
Matandaan na unang nang tinutulan ng Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) at mga fishpond owners ang itatayong oil depot.