-- Advertisements --
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga mangingisda sa Negros Oriental at Negros Occidental kasunod ng pagsabog ng Mt. Kanlaon.
Ayon sa naturang ahensya, posibleng makaapekto ang ashfall sa fresh water, fishpond at aquatic system sa rehiyon.
Ani, Nazario Briguera, spokesperson ng BFAR, ligtas naman kainin ang mga isda kung hindi naman naapektuhan ang tubig maliban nalamang umano kung nagkaroon na ng massive fish kill at lumutang na ang mga isda.
Sa kasalukuyan wala pa namang naiuulat na mga mangingisda na apektado sa pagsabog ng naturang bulkan.
Pero nakatutok na umano ang BFAR ngayon sa quality ng tubig ng mga isda para kung sakaling naapektuhan ito ay papayuhan nila ang mga mangingisda na mag-early harvest.