-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources tungkol sa 10 coastal areas sa bansa na apektado ng red tide.

Sa isang kalatas, sinabi ng BFAR na hindi pinahihintulutan ang pagkuha at pagkain ng lamang dagat mula sa mga sumusunod na lugar:

  • Inner Malampaya Sound sa bayan ng Taytay, Palawan
  • Sorsogon Bay sa Sorsogon;
  • Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
  • Tambobo Bay, sa bayan ng Siaton, Negros Oriental
  • Coastal Waters ng Calubian, at Cancato Bay, sa Tacloban City, Leyte
  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
  • Murcielagos Bay (Sapang Dalaga and Baliangao) at Coastal Waters ng Ozamiz City sa Misamis Occidental
  • Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin
  • Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at
  • Lianga Bay at Coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur

Ayon sa ahensya, positibo sa paralytic shellfish poison ang samples na nakuha sa nabanggit na mga lugar na lampas sa regulatory limit.

Ibig sabihin, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa naturang mga lugar.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango na makukuha roon basta’t sariwa, huhugasan nang maigi, at aalisin ang mga laman-loob gaya ng hasang at bituka bago kainin.