-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison ang 12 coastal areas sa bansa.

Batay sa pinakahuling laboratory results, delikado pa rin sa paralytic shellfish poison ang

  • Honda at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City, at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan;
  • Sorsogon Bay sa Sorsogon;
  • coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
  • Tambobo Bay sa Sianton, Negros Oriental;
  • katubigan ng Daram Island, Zumarraga, at Cambatutay sa Western Samar;
  • katubigan ng Calubian, Leyte, Carigara Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte;
  • coastal waters ng Biliran Islands;
  • coastal waters ng Guiuan at Matarimao Bay sa Eastern Samar;
  • Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental;
  • Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur;
  • at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Dagdag pa ng BFAR, positibo na rin sa red tide toxin ang San Pedro Bay sa Western Samar.

Maaari naman umanong kainin ang mga isda, mga hipon, pusit at alimango na mahuhuli sa nabanggit na mga lugar kung huhugasan ang mga ito nang maigi at aalisin ang mga lamang loob ng mga ito bago lutuin.

Samantala, inanunsyo ng ahensya na wala na raw banta ng red tide sa coastal waters ng Milagros, Masbate.