-- Advertisements --
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) tungkol sa ilang mga coastal areas sa bansa na nagpositibo sa red tide.
Sa isang pahayag, ipinagbabawal ng BFAR ang pagkuha at pagkain ng lamang dagat mula sa mga sumusunod na lugar:
- Biliran Islands
- bayan ng Daus at lungsod ng Tagbilaran sa Bohol
- Balite Bay at Mati City sa Davao Oriental
- Guiuan, Eastern Samar
- Cancabato Bay, Tacloban City at Calubian, Leyte
- Milagros, Masbate
- Tambobo Bay sa Negros Oriental
- Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan
- Sorsogon Bay, Sorsogon
- Hinatuan, Surigao del Sur (Hinatuan)
- Zumarraga sa Western Samar
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Paglalahad ng BFAR, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang samples na nakuha sa naturang mga lugar na lampas sa regulatory limit.
Samantala, positibo sa red tide toxin ang mga sumusunod na lugar:
- Matarimao Bay in Eastern Samar
- katubigan sa Daram Island at Cambatutay Bay sa Western Samar
- Carigara Bay sa Leyte
Binigyang-diin ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.
Ang mga isda, pusit, hipon, at alimasag naman ay maaari pa ring kainin basta’t bagong huli at nilinis nang maigi bago iluto at ihain.