Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang livelihood assistance para sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS.
Ito ay sa ilalim ng proyektong LAYAG-WPS o Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic.
Nanguna sa naturang paghahatid ng proyekto sina National Security Council Deputy Director General Nestor Herico, Agriculture Undersecretary Drusila Esther E. Bayate, Presidential Assistant for Maritime Concerns National Coast Watch Council Secretariat Secretary Andres Centino at iba pang opisyal.
Ipinaabot nila ang inisyal na livelihood inputs tulad ng gillnets sa 100 fisherfolk.
Sumailalim din sa post-harvest training ang aabot sa 50 na kababaihang mangingisda sa Subic, Zambales.
Ginawa rin ang turnover ceremony ng DA-BFAR ng 62-footer Fiber Reinforced Plastic (RFP) vessels na kumpleto sa mga modernong fishing equipment sa mga asosasyon ng mangingisda mula sa Central Luzon at Ilocos Region.
Target ng bagong proyekto ang mga fisherfolk sa Ilocos, Central Luzon, at MIMAROPA.