Nakatakdang bumili ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P1.5 million na halaga ng mga barko.
Kabilang sa mga tinitingnan ng BFAR na bibilhin ay dalawang 50-meter na multi-mission offshore vessel (MMOV) at isang 80-meter steel multi-purpose refrigerated cargo vessel.
Naglaan ang BFAR ng mahigit P1.5 billion para sa naturang kontrata: P800 million para sa dalawang MMOVs at P700 million para sa multi-purpose refrigerated cargo vessel.
Ang mga naturang barko ay magagamit para makapag-patrolya ang mga personnel ng BFAR sa mga katubigan ng bansa mula sa mga municipal waters hanggang sa mga sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nais mapatrolyahan ay ang mga maritime feature sa WPS na pasok pa rin sa EEZ ng bansa at kalimitang dinadayo ng mga mangingisda.
Bumuo na rin si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng isang special bids and awards committee sa BFAR na siyang mangunguna sa pagbili sa mga naturang barko.