DIPOLOG CITY – Umaabot sa 750 food packs ang naipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda na apektado ng COVID sa dalawang lungsod ng Zamboanga del Norte.
Napag-alaman na ang ginawang hakbang ng BFAR ay upang matulungan ang mga mangingisdang apektado ang trabaho dahil sa COVID-19 kasabay ng pag-obserba ng 16th Farmers and Fisherfolks Month.
Naipamahagi ang mga food packs sa mga naninirahan sa baybayin ng Bucana, Sicayab, Dapitan City habang na-turnover naman ang ilang food packs sa lokal na pamahalaan ng Dipolog City.
Samantala, kasabay ng pamamahagi ng food packs ay ang pag-award ng P2 million sa City of Dapitan bilang premyo sa naganap na 2018 Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) Program ng BFAR .
Una nang nanalo ng 1st regional prize ang City of Dapitan sa ginanap na 2018 MMK Program ng BFAR.
Ang Malinis at Masaganang Karagatan Program ng BFAR ay inilunsad noong 2016 na naglalayong bigyang pagkilala ang ginagawang inisyatibo at kontribusyon ng mga lokal na pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng pangingisda.