Natanggap na ng mga mangingisda sa Pagasa Island ang ilang equipment at pasilidad na ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture.
Ang naturang mga kagamitan ay nagkakahalaga ng mahigit limang milyong piso.
Matagumpay itong naihatid ng Department of Agriculture sa tulong ng Philippine Coast Guard gamit ang BRP Francisco Dagohoy (MMOV-5002) mula sa Puerto Princesa City.
Ginawa ang send off ceremony kasabay ng pagdiriwang ng ika-125th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Kasama sa mga natanggap ng mga mangingisda ay fish stalls, fish containers, plastic floaters, twines, lead sinkers, at deep sea payao o fish aggregating device.
Kabilang rin sa ipinagkaloob sa mga mangingisda ang ilang harvest equipment tulad ng blast freezer, ice cooler, industrial weighing scale, crate storages, seawater flake ice machine, at generator set.
Bukod dito ay makakatanggap rin ang Kalayaan Palawan Farmers at Fisherfolks Association and Spratlys Strong and Brave Women Association ng libreng training sa tamang fish handling, tamang kasanayan sa manufacturing , tamang sanitation standards mula naman sa mga empleyado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.