Namonitor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang halos 90 violations o pagyurak sa mga maritime laws ng bansa sa mga nakalipas na buwan.
Natunton ito ng BFAR kasunod ng paggamit sa Dash-8 surveillance aircraft ng Canada.
Sa unang deployment nito sa eastern seaboard ng bansa, nagawa nitong magpatrolya sa loob ng 22,000 kilometro at ginamit ang mga radar at camera upang mabantayan ang mga sea violations na posibleng mahihirapang mabantayan ng mga patrol boats.
Ayon kay BFAR – Fisheries Resources Management Division OIC Roy Ortega, magsisilbi itong isang eye-opener sa law enforcement operations ng fisheries bureau.
Dati kasi aniya ay tanging mga surface assets lamang ang pangunahing idinedeploy sa mga karagatan at medyo limitado ang napapatrolyahan ng mga ito.
Pero sa pamamagitan ng Dash-8 surveillance aircraft, mas malawak na maritime areas ang napapatrolyahan sa loob lamang ng ilang oras.
Ang inilabas na findings ay sa pamamagitan ng Operation Bantay Lawud (sea guardian), isang joint aerial patrol at capacity-building mission na inilunsad ng fishery agency ng Canada kasama ang BFAR.