Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng National Capital Region ang pagpapakawala sa mahigit 5,000 bangus fingerlings sa Laguna de Bay.
Ang inisyatibong ito ay naging matagumpay sa tulong ng City Agriculture Office ng Taguig City bilang parte ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa.”
Paliwanag ng ahensya, ang naturang programa ay naglalayong buhayin muli ang ecosystem sa naturang katubigan at bilang suporta sa mga lokal na mangingisda sa lugar.
Maliban dito, target rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng National Capital Region na magpakawala ng aabot sa 50,000 fingerlings ng ibat-ibang isa.
Kabilang ang isdang karpa, hito, at iba pa sa nasabing katubigan.
Inaasahan rin na makatutulong ito sa pagtitiyak ng sapat na pagkain sa lugar bukod pa sa pag-employ sa Cash-for-Work beneficiaries na siyang aatasan na maglinis ng invasive species sa lawa ng sa gayon ay maibalik ang ecological balance nito.