-- Advertisements --
A U.S. Navy guided-missile destroyer joined ships from India, Japan and the Philippine Navy to sail through the South China Sea (file photo by Japan Maritime Self Defense Force)

Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagpapatuloy ng suporta nito sa mga Pilipinong mangingisda sa West Phil Sea.

Ito ay sa gitna na rin ng presensya ng mga barko ng China sa naturang karagatan.

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, sa kabila ng hamon na kinakaharap ng mga mangingisda, hindi aniya titigil na sumuporta ang pamahalaan sa kanila.

SA katunayan, sinabi ng BFAR official na nitong nakaraang buwan ay nagsagawa sila ng refueling operations sa Panatag Shoal na bahagi ng WPS.

Binigyan aniya nila ang mga mangingisda roon ng mga fuel, maliban pa sa mga kagamitang pangisda na una nilang ipinamahagi sa mga mangingisda roon.

Tiniyak din ng opisyal, na suportado ng BFAR ang patuloy na pangingisda ng mga Pilipinong mangingisda sa karagatang sakop ng WPS, na bahagi pa rin ng teritoryo ng Pilipinas.