-- Advertisements --
Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na hindi kakapusin sa suplay ng isda ngayong Oktubre hanggang sa katapusan ng taon sa Ilocos Norte.
Kasabay nito ang patuloy na pagbibigay nila ng suporta sa fish farmers sa lalawigan sa paraan ng pagbibgay ng fingerlings at fish cages.
Iginiit ni Vanessa Abegail Dagdagan ng BFAR sa Ilocos Norte na may mga ginagawa silang hakbang para maparami ng suplay ng isda sa lalawigan. Gaya nalamang ng Tilapia-Shrimp polyculture.
Nauna nang iniulat na nagsagawa ng GMP o Good Manufacturing Practices training sa isang Firsh Farm sa bayan ng Pasuquin na dinaluhan naman ng ilang residente.