Tiniyak ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda habang papalapit ang Holy Week mula Abril 6 hanggang 10.
Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, hindi raw inaasahan ng bureau ang fish supply shortage sa gitna na rin ng nagpapatuloy na pagtaas ng demand nito at ang epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Paliwanag niya, dahil nasa peak season ngayon ng fishing activity ay kaya naman daw punan ang supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw.
Kung maalala, apektado ang malaking bahagi ng Oriental Mindoro dahil na rin sa pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa bayan ng Naujan.
Nagpadala na rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng initial relief sa mga apektadong pamilya sa Oriental Mindoro.