Kinumpirma ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ang panibagong insidente sa pagitan ng BFAR vessel na BRP Datu Cabaylo at barko ng China.
Nabatid na binomba ng tubig ng China Coast Guard ang sasakyang pandagat ng Pilipinas habang nasa 14 nautical miles mula sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.
Magsasagawa sana ng resupply mission ang barko nang gamitan ito ng water cannon ng Chinese vessel na may bow number 3301.
Kinundina naman ito ng mga opisyal ng Pilipinas at umapela sa China na itigil ang mga marahas na aksyon na maaaring magdulot ng panganib sa mga tripulante ng barkong pumapalaot sa West Philippine Sea.
Ang BRP Cabaylo ay isang lead ship new class na 30-meter multi-mission offshore civilian patrol vessels.
Ito ay binuo ng Josefa Slipways, Inc. mula sa Sual, Pangasinan, gamit ang disenyo mula sa Australian ship designer Incat Crowther at inilunsad noong June 14, 2022.