-- Advertisements --
Inaalam pa rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng pagkakasunog sa bahagi ng Russian Embassy na matatagpuan sa Barangay Dasmarinas, Makati City.
Ayon sa BFP-National Capital region, itinaas pa sa ikalawang alarma ang nasabing sunog.
Umabot pa sa mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy.
Nagsimula umano ang nasabing sunog sa ikalawang palapag ng gusali na matatagpuan sa Acacia Street, Dasmarinas Village.
Tumulong na rin ang mga ibang bombero mula sa karatig na lungsod para mabilis na maapula ang sunog.