-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nakatakdang bumuo ng task force ang Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong araw para tumutok sa imbestigasyon sa nangyaring sunog na tumupok sa halos kabuuan ng Star City sa Pasay City.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni BFP spokesperson Fire Chief Insp. Jude Delos Reyes na nagdesisyon ang kanilang hanay sa National Capital Region na bumuo ng grupong mangangasiwa sa mabilis na imbestigasyon ng insidente.
Hindi raw kasi kakayanin ng BFP-Pasay City ang solong pagsisiyasat lalo na’t may kalapit pang establisyemento ang nadamay sa sunog.
Bubuuin ng 10 opisyal ang naturang task force.
Una nang sinabi ng mga fire investigator na isa ang anggulong arson o sadyang panununog sa kanilang inaaral na sanhi ng insidente.