DAVAO CITY – Naitala sa Davao City ang iilang mga insidente ng sunog sa mga unang buwan ng 2023.
Ngunit ayon kay SF04 Ramil Gillado, tagpagsalita ng Bureau of Fire Protection – Davao, mas mababa ito kung ikukumpara sa nagdaang taon na umabot ng halos isandaan.
Sa kabila ng dumaraming sunog sa lungsod, bumaba naman ang damyos ng mga natutupok na kagamitan dahil sa pagtutulungan ng publiko maging mga force multipliers.
Ayon kay Gillado, nakagawian na rin ng mga nasa komunidad ang pagsasagawa ng bucket relay upang magiging under control na ang sunog pagdating ng mga rumerespondeng bumbero.
Giit ng opisyal, iilan sa mga pangunahing dahilan ng sunog sa lungsod ay ang electrical faulty wiring, open flame at overheated appliances.
Kadalasang nangyayari rin ang sunog sa mga kabahayan na maaring lumalabag sa fire code, maging sa mga squatters’ area dahil bukod sa kawalan ng building permit, hindi rin mababantayan ng ahensya ang pagpapakabit ng kuryente sa mga naturang area.
Pinapaalalahanan ng BFP an publiko na nagsisimula sa sarili ang kaligtasan ng lahat kaya pinaiingat rin nila ang publiko sa sunog dahil isa rin sa mga rason nito ay ang negligence o kawalan ng muwang.
Ipagdiriwang ng ahensya ngayong Marso ang Fire Prevention Month na may temang “Sa pag-iwas sa sunog, di ka nagiisa”.
Nakapaloob sa Proclamation 115-A ang pagsasagawa ng mga house to house survey o Oplan Ligtas Pamayanan kung saan sinusuri ng mga personahe ng BFP ang mga linya ng kuryente.
Magsasagawa ng roadshow sa isang malaking mall sa Davao City ang BFP Davao na layong makapagturo ng first aid, tamang paggamit ng fire extinguisher, at basic rappelling.
Isa rin sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang isasagawang Fire Olympics.