KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit P3-milyon ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa bahagi ng Lower Osmena, Brgy. Zone 1, Koronadal City.
Sa panayam kay SFO1 Mikhael Francis Falalimpa ng Intelligence and Investigation Unit, nasa 10 establisyimento at tatlong bahay ang umano’y kinain ng apoy kaninang alas-1:40 ng madaling araw.
Halos wala namang naisalba ang mga pamilya na naninirahan sa nasabing residential area dahil sa agad na lumaki ang apoy.
Ito ay dahil na rin sa halos sa mga kabahayan at establisyimento ay gawa lamang sa light materials.
Pinaghihinalaang galing sa isang parlor ang apoy na agad namang nirespondehan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang damage assesment sa mga posibleng nadagdag sa danyos dahil sa sunog.
Samantala, nag apela naman ng tulong sa pamunuan ng gobyerno ang mga biktima ng nasabing insidente.