-- Advertisements --
star city fire
Star City fire

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters ang mga nag-aakusa na kasuha ang mga bumbero kaugnay ng mga nawawalang pera at gamit sa pagkasunog ng mga gusali sa Star City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni FChief Insp Jude Delos Reyes, Information Officer ng BFP Central Office na bahagi ng panganib sa kanilang trabaho na mapagbintangan ang mga bumbero sa nawawalang pera o gamit ng isang nasunog na pasilidad.

Binigyang-diin n FChief Insp Delos Reyes na hindi sila nagmamalinis ngunit nais nila na masuportahan ng mga ebidensiya ang mga paratang laban sa kanilang mga tauhan na umapula ng sunog sa Star city.

Bukas sila sa imbestigasyon kaya hinikayat nila ang mga nag-aakusa na magsampa ng reklamo sa PNP para magkaroon ng patas na pagsisiyasat.

Handa nilang sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mapapatunayang kumuha ng pera o gamit habang ginagawa ang pag-apula sa sunog.

Iginiit ni Delos Reyes na may sapat na training ang kanilang mga bumbero at mga sinusunod silang protocol.

Labis silang nadidismaya na idinadaan sa social media ang akusasyon hinggil sa nawalang pera at gamit sa pag-apula ng sunog sa Star City.