-- Advertisements --

Laoag City – Umabot sa 43 na sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan ng Ilocos Norte sa buwan ng Marso o ang Fire Prevention Month.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection, kabilang dito ang ilang kabahayan, sasakyan at kagubatan.

Ayon kay Fire Superintendent Roxanne Parado, Provincial Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection dito sa Ilocos Norte, angdanyos ay aabot sa mahigit amin na milyong pisos ang halaga ng nasira dahil sa mga nangyaring sunog.

Hinggil dito, mula Enero 1 hanggang ngayon ay aabot na sa 71 na sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection kung saan 24 naman dito ang forest fire.

Sinabi rin nito na naging abala rin ang mga bombero sa nakalipas na Holy week dahil marami ang kanilang nirespondehan na sunog.

Kabilang naman sa mga tumulong sa BFP ay ang Marines, Philippine National Police, forest rangers at mga barangay officials sa mga naapektuhang lugar.

Samantala, inihayag nito na ang posibleng rason ng mga sunog sa mga kagubatan ay dahil sa mga naiiwang nakasinding kahoy na gamit sa pagkuha ng pukyutan o honey bee.