-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection hinggil sa posibleng pinagmulan ng apoy na tumupok sa mahigit kumulang sa 300 bahay sa Prok Saeg, Calumpang.

Ayon kay fire marshall Reginald Legaste ng BFP Gensan, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Mariabeth Naroda.

Sa kanyang tantiya, nasa 200 pamilya lamang ang nawalan ng bahay.

Base naman sa listahan ng City Social Welfare Development Office ay aabot sa mahigit 1,000 katao ang apektado ng sunog.

Isa sa residente ang nagkaroon ng first degree burn na dinala sa ospital.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagdating ng tulong sa mga biktima.

Nakatanggap ang mga nasunugan ng food packs, kulambo at mga gamit sa kusina.

Nakasilong ang mga ito sa gymansium ng barangay at ang iba naman nasa kanilang pamilya.