-- Advertisements --
Inalis na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang arson sa pagkakasunog ng Star City amusement park noong Oktubre.
Sinabi ni BFP spokesman Gerrandie Agonos, na base sa kanilang final investigation report na ang pag-overheat ng light ballast ang sanhi ng sunog.
Iginiit nito na hindi sinadya ang nasabing sunog na tumagal ng 14 na oras bago ito tuluyang naapula.
Nagmula aniya ang sunog sa ‘Try your Luck’ game booth sa ground floor ng Star City kung saan uminit ang ballast na nakakabit sa kanilang flourescent light ng booth.
Aabot aniya ang kabuuang damyos ng P1-bilyon na kabilang naapektuhan ang opisina at studio ng isang radio company.