-- Advertisements --

Naka-full alert status o Code red na ang Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 para sa yuletide season.

Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na papairalin ito hanggang sa Enero 2, ng susunod na taon.

Ito ay alinsunod sa Oplan Paalala: Iwas-Paputok ng ahensiya. Bunsod nito, naging epektibo na rin ang operational readiness at striktong pagsunod sa mga precautionary measures.

Sa isang press conference, iniulat ni BFP Community Relations Service Chief Fire Senior Inspector Gabriel Solan na wala pang naitatalang fire-related incident sa mga paktorya ng paputok.

Ang pinakahuling naitala na sunog ay sa isang tindahan ng mga paputok noong Hunyo 2 ng kasalukuyang taon.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 24 na firecrackers at pyrotechnic related incidents sa bansa, kung saan 15 dito ay bunsod ng pagsabog ng paputok at 16 naman ay sa mga pyrotechnics o mga pailaw.

Samantala, ayon sa BFP official, nagdeploy na rin ang BFP ng mahigit 38,000 personnel, mayroon ding emergency medical units at BFP first aid service teams, kasama ang Department of Health (DOH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtugon ng emergency cases.