CENTRAL MINDANAO-Dalawang bagong motorsiklo ang tinanggap ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan mula sa City Government of Kidapawan sa isang simpleng turn-over ceremony na ginanap sa City Hall Lobby.
Mismong si Kidapawan City Fire Marshall CINSP Marleap Nabor ang tumanggap ng dalawang brand new Honda Click 125 mula kay Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Una ng hiniling ng BFP Kidapawan kay Mayor Evangelista na mabigyan sila ng motorsiklo na gagamitin para sa fire safety inspection ganundin sa mabilis na pagsasagawa ng imbestigasyon at koordinasyon sa mga barangay kung saan may naganap na sunog.
Kaugnay nito, nagpasalamat si CISNP Nabor sa City Government of Kidapawan lalo na kay Mayor Evangelista sa patuloy na tiwala at suporta sa BFP Kidapawan partikular na sa layuning mapanatili ang ligtas na pamayanan mula sa sunog o fire-free community.