-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagtaas sa red alert status sa lahat ng mga istasyon nito sa buong bansa.

Magtatagal ang naturang alerto hanggang sa unang araw ng Enero, 2024.

Kaakibat nito ang pagpapatupad ng BFP ng ibat ibang mga operational readiness at precautionary measures.

Kinabibilangan ito ng 24/7 na naka-standby ang mga fire trucks sa lahat ng mga istasyon. Ang mga ito ay nakahandang tumugon sa anumang tawag o anumang insidenteng maipapaabot sa ahensiya.

Kabilang din dito ang bukas na linya ng komunikasyon, paglilibot sa mga nasasakupan ng bawat istasyon upang magpapaalala sa publiko, at pagtiyak ng sapat na pasilidad at kagamitan para sa mga rerespondehang insidente.

Ayon sa BFP, hangad nitong maging maayos, ligtas, at ‘fruitful’ ang holiday season sa bansa.