Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakapagtala sila ng nasa 724 na insidente ng sunog sa buong bansa mula December 1 hanggang December 24,2024.
Ayon kay BFP Spokesperson FSSupt. Annalee Atienza na mas mababa ito kumpara sa naitalang 1,112 fire incidents sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ni Atienza ito ay resulta ng kanilang puspusang fire safety education at fire prevention campaign, kaakibat na rin ng kooperasyon ng mga komunidad at pagtulong ng mga lokal na pamahalaan.
Samantala, may naitala na ring labinlimang insidente ng sunog na may kaugnayan sa paggamit ng paputok.
Dahil dito patuloy na naka-activate ang “oplan paalala iwas paputok” ng BFP habang pinag-iingat din ang publiko sa paggamit ng christmas lights na maaaring magdulot ng sunog bunga ng electrical ignition.
Siniguro naman ni Atienza na magdamag ding nag-iikot ang kanilang fire personnel upang mapanatili ang visibility ngayong holiday season.