-- Advertisements --

Nilinaw ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi hazing ang sanhi ng pagkamatay ng isa sa kanilang tauhan na sumasailalim sa training sa Laguna.

Ayon kay BFP Spokesperson Jade delos Reyes, malabo ang anggulong hazing dahil halos tatlong taon na sa BFP si FO1 Clinton Obedoza.

Gayunman, bumuo umano sila ng investigating team ukol sa pangyayari, para mabatid ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Obedoza.

Lumalabas na multiple organ failure ang sanhi ng pagkamatay ng baguhang miyembro ng nasabing organisasyon.