-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Umakyat na sa 19 ang kabuuang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease sa hanay ng Bureau of Fire Protection sa Bicol.
Sa ulat ng BFP Bicol Emergency Operations Center ngayong Agosto 27 na sa naturang bilang, 10 ang aktibong kaso at siyam naman ang naka-recover.
Sa Albay, walo ang aktibong kaso habang dalawa naman sa Camarines Sur.
Nabatid pa na lima sa mga ito ay pawang asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas ng COVID-19.
Karamihan sa mga COVID-positive ay kalalakihan habang mayroon namang isang babaeng nagpositibo.
Samantala, nananatili na ang mga ito sa quarantine facility.