-- Advertisements --

Pinaigting pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kampaniya nito laban sa mga insidente ng sunog kasabay ng pagsisimula ng pag-obserba ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Ang Marso kasi ang buwan na karaniwang nakakapagtala ng mataas na bilang ng fire incidents na sinabayan ng pagu-umpisa ng mainit na panahon sa bansa.

Kaugnay nito, muling naglabas ng safety tips ang BFP para maiwasan ang mga insidente ng sunog.

Una, kapag hindi ginagamit ang electric equipment o appliances, dapat na alisin ang saksakan o i-disconnect lalo na kapag aalis ng bahay.

Ikalawa, dapat na mayroong fire extinguisher o kung kakayanin ay maglagay ng smoke detectors o alarms na makakatulong para maprotektahan ang sarili mula sa sunog. Maaari ding maglagay ng lightning rods sa mga antenna na nasa labas ng bahay para maiwasan ang sunog mula sa posibleng pagtama ng kidlat.

Ikatlo, huwag iiwanan ang niluluto sa kusina at iwasan ang multitasking para makaiwas sa posibleng sunog at kung kailangan ng tulong, humingi ng assistance mula sa miyembro ng inyong pamilya.

Panglima, alisin o palitan na ang mga sirang appliances at pang-anim, huwag hayaan ang mga nakasinding kandila at ilayo ito mula sa alagang hayop o mga bata para maiwasan ang aksidente dahil hindi maiwasan na makaranas ng power outage. Sa halip, ipinayo ng BFP ang pagbili ng solar lights na isang mainam na investments.