-- Advertisements --
KALIBO, Aklan-Isasailalim sa paramedics and anti-terrorism training ang mga kawani ng Boracay Fire, Rescue and Ambulance Volunteer Incorporated (BFRAV).
Pangungunahan ito ng British Trauma Training Team na bumisita sa isla ng Boracay kamakailan bilang bahagi ng pangako ng Embahada ng Britanya sa Maynila.
Ayon kay Rod Bachiilier ng BFRAV, hindi pa naisapinal ang detalye ng isasagawang training ngunit inaasahan na matapos ito sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
Tiyak aniya na ituturo sa training ang hinggi sa trauma care.
Kasama sa ensayo ang mga miyembro ng Philippine Task Force, Joint Task Force Boracay, pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Ang BFRAV ay isang pribadong grupo na nagbibigay ng boluntaryong serbisyo sa isla.