Nag-assumed na bilang bagong 2nd Infantry Division Commander si BGen. Arnulfo Burgos nuong Biyernes July 12, 2019 na may operational jurisdiction sa CALABARZON at MIMAROPA.
Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto ang change of command na isinagawa sa Camp Capinpin sa Tanay,Rizal.
Bago pa umupo sa kaniyang pwesto si Burgos siya ang dating brigade commander ng 202nd Brigade na naka base sa Laguna.
Lubos naman ang pasasalamat ni Burgos kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tinawala na ibinigay sa kaniya na pamunuan ang 2nd ID.
Prayoridad ni Burgos na tuldukan ang Local Communist Armed conflict sa pamamagitan ng whole of government approach na siyang pinaka mabisang paraan para talunin ang communist insurgency.
Hinimok naman ni Philippine Army chief Lt. Gen. Alberto si Burgos na ipagpatuloy ang operational momentum ng Army sa nasabing rehiyon para labanan ang komunistang rebelde.
Isa sa ipinagmamalaki ng 2nd ID ang pag-organisa sa kauna-unahang RTF ELCAC 4A ang pioneering Army unit na nagpatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program sa Luzon at Visayas na nagsimula nuong August 2018.
Si BGen. Burgos ay Miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988 at ang ika-39th Commander ng 2nd Infantry Division.
Pinalitan ni Burgos si BGen. Elias Escarcha na miyembro ng PMA Class 1986 na mistah ni Lt. Gen. Alberto at PNP Chief PGen. Oscar Albayalde.