-- Advertisements --

calabarzon4

Pormal nang nag-assume bilang bagong regional police director ng PRO 4A si B/Gen. Eliseo Cruz kapalit B/Gen. Felipe Natividad na itinalaga bilang bagong PNP SAF director.

Mismong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang nanguna sa isinagawang change of command ceremony.

Ayon kay Eleazar, malaki ang tiwala niya sa dalawang opisyal na magampanan ng maayos ang kanilang trabaho sa kanilang mga bagong pwesto na pawang nakasama niya nuon sa ibat ibang assignments.

Sina Natividad at Cruz ay pawang miyembro ng PMA Class of 1990.

calabarzon6

Sinabi ni Eleazar mas mapahusay pa ni Natividad ang pamumuno sa kanilang elite force ang Special Action Force.

Nakilala si Natividad nuong siya pa ang provincial director ng Bohol at matagumpay nitong napigilan ang pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf.

Papalitan ni Natividad sa pwesto si M/Gen. Bernabe Balba ang outgoing SAF commander na itinalagang bagong DIPO Visayas commander.

Si Cruz naman ay dating District Police Director ng SPD at, PNP HPG director.

Sa pagbisita ni Eleazar sa PNP Calabarzon kahapon, kaniya na rin kinausap ang mga pulis at binigyang-diin ang kaniyang Internal Cleansing Policy, ang pagsunod sa minimum health standard at ang pagbibigay ng mask sa mga face mask violators.

Binalaan din nito ang mga police scawalags na hindi niya ito tatantanan hanggat masibak ang mga ito sa serbisyo.

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng PNP Caloocan ang insidente noong Linggo kung saan nakita sa social ang buhos ng mga tao na naliligo sa isang resort sa Caloocan.

Ayon kay Eleazar, dapat na managot sa batas ang responsable ng sa gayon hindi ito pamarisan lalo na at nasa modified enhanced community quarantine pa rin ang NCR Plus at limitado ang operasyon ng mga negosyo ngayong may pandemya.

Aniya, magsilbi sanang babala ang pagpapasara ng Gubat sa Ciudad sa Caloocan.

Kasunod nito, umapela si Eleazar sa publiko na makipagtulungan sa PNP.

Hinihikayat nya rin ang mga kawani ng barangay na bantayan ang kanilang lugar dahil sila ang mas pamilyar sa nasasakupan nila.

Ani Eleazar, batid nyang hindi lahat ng sulok ay mababantayan ng mga pulis kaya mahalaga kung makakakuha sila ng dagdag na suporta mula sa komunidad.