-- Advertisements --

spokes11

Pormal na pinanumpa sa tungkulin ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang bagong PNP spokesperson at chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO) na si B/Gen. Ildebrandi Usana at tatlo pang senior officials sa simultaneous turnover rights sa Camp Crame.

Si Usana ay miyembro ng PNPA Tagapagtaguyod Class of 1988 at ang dating Hepe ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO).

Siya rin ay naging Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 7 (Central Visayas).

Si Col. Vincent Calanoga naman ang inilagay na acting director ng HRAO kapalit ni Usana.

Sa kaparehang seremonya, iniluklok din ng PNP chief si B/Gen. Ronald Lee bilang director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), na nasa frontline ng kampanya ng PNP kontra sa iligal na droga.

Habang si Col. Thomas Frias Jr. ang ginawang acting director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na pangunahing responsable sa paghahabol sa mga tiwaling pulis.