-- Advertisements --

Itinalaga ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar si dating CIDG Deputy Director for Administration PBGen. Oliver Enmodias bilang bagong Director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Pinalitan ni BGen. Enmodias si dating IMEG Director PBGen Flynn Dongbo na itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 6.

Bahagi ito ng panibagong balasahan ng mga matataas na opisyal ng PNP ilang araw bago sumapit ang mandatory retirement ni Eleazar sa Sabado, Nobyembre 13.

Kabilang din sa mga opisyal na nabigyan ng bagong pwesto sina:
PBGen Gen. Rolando Miranda na mula sa PRO 6 ay inilipat sa Office of the Chief PNP; PCol. Leumar Abugan ng PNP Maritime Group (MG) na inilipat sa CIDG; PCol. Fernando Ortega ng Directorate for Plans (DPL) na itinalaga sa PNP-Drug Enforcement Group (PDEG); at PCol. Genaro Sapiera ng Maritime Group ay inilagay sa PDEG.

Ang appointment ng mga naturang opisyal ay epektibo ngayong araw batay sa memorandum na may petsang Nobyembre 9 na inilabas ni PNP Chief of Directorial Staff PMgen. Dionardo Carlos.