Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na si B/Gen. Vicente Danao ang inirekomenda na susunod na pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito ay kasunod ng appointment ni M/Gen. Debold Sinas bilang susunod na PNP chief na papalit sa pwesto ng magreretiro na rin na si Gen. Camilo Cascolan ngayong araw.
Ayon kay Año, bagama’t pagpupulungan pa ito ng PNP Board of Generals pag-upo ni Sinas sa puwesto pero si Danao aniya ang napisil ni Sinas na pamunuan ang kaniyang iiwang puwesto
Si Danao ay kasalukuyang Regional Director ng CALABARZON PNP na una na ring nagsilbing district director ng Manila Police District sa ilalim ni Sinas.
Si Danao ay miyembro ng PMA Class of 1991.
Madalas ding mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ni Danao bilang susunod na PNP chief saan mang mga pagtitipon sila magharap subalit harapan niya itong itinatanggi sa Pangulo bilang paggalang na rin sa seniority sa kanilang hanay.
“Ang NCRPO ay idi-deliberate pa pero ang nire-recomend na papalit kay Gen. Sinas ay si B/Gen. Vic Danao,” wika ni Sec. Ano